Papayagan na sa United Kingdom ang 100% full capacity sa lahat ng sporting events.
Sa bagong kautusan ni UK Prime Minister Boris Johnson sinabi nitong pwede nang manood ang mga fans sa mga events katulad ng boxing, basketball at concerts simula sa July 19.
Kailangan lang ipakita ng mga dadalong fans ang COVID-19 certification bilang patunay na sila ay nabakuhan na laban sa COVID-19.
Ayon sa ilang sports analyst kabilang sa mga makikinabang sa bagong kauutusan ay ang laban ni boxing heavyweight champ Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk na gaganapin Tottenham Hotspur stadium sa London, England sa September 25.
Inaasahan mapupuno ng naturang laban ang 62, 850 seating capacity.
Nakatakdang depensahan ni Joshua ang kanyang WBO title laban sa mandatory challenger na si Usyk na may 18-0, 13 KOs, win-loss record.
