Mag-aama na wanted sa Albay at isang provincial most wanted person, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP

LEGAZPI CITY – Arestado sa magkahiwalay na operasyon ang mag-aama na wanted sa Albay at isang provincial most wanted person sa nasabing lalawigan.

Unang napasakamay ng mga tauhan ng Legazpi CPS, ang provincial most wanted person kung saan nadakip ito sa sa Plaza Miranda, sa bahagi ng Quiapo Church, Quezon Blvd, Quiapo, Manila, lugar kung saan ito nagtatago. Ang naaresto ay kinilalang si alyas Mark, 31-anyos, residente ng Purok 3, Brgy Ilawod, lungsod ng Legazpi.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte na may petsang Mayo 8, 2024, para sa kasong “Sexual Abuse” na may inerekomendang piyansya na Php 200,000.00 para sa dalawang bilang ng kaso.

Sunod naman na naaresto ng parehong operatiba ang mag-aama na wanted sa kasong pagpatay.

Batay sa report, naganap ang malagim na insidente matapos na di umano’y bastusin ng biktima ang kapatid/anak na babae ng mga suspek at kanilang napagtulungan mapatay dahil sa pangyayari.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Hindi tumigil ang mga kapulisan sa paghahanap sa mag-aama, kung saan umabot ang mga ito ng mahigit isang dekada nang pagtatago. Sa isinagawa naming operasyon laban sa mga suspek, dala ang warrant of arrest na may petsang Hunyo 24, 2013 at Oktubre 1, 2015, naaresto sina alyas Dan Jr. at Sr., “Dan” at “Den” para sa kasong pagpatay.

Maaring makulong habambuhay ang mag-aama dahil walang inilabas na piyansya ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.