Pagpapalakas ng serbisyo ng Legazpi City Health Office, binigyang diin

LEGAZPI CITY – Binigyang diin ang pagpapalakas ng serbisyo ng Legazpi City Health Office (CHO) para sa mga Legazpeños ngayong bago na ang nakaupong City Health Officer sa nasabing lungsod.

Ayon sa bagong upong City Health Officer na si Dr. Francis Gerald Gomez, mayroon na umano sila ngayong flexitime arrangement para sa mga empleyado para mas mabilis ang serbisyong ibinibigay ng kanilang opisina sa nga residente ng Legazpi.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasunod nito, sinabi rin ni Gomez na prayoridad umano nila ngayon na ayusin ang basic services na ibinibigay ng opisina sa outpatient department.

Napansin umano ng nasabing opisyal na alas 5 pa lang ng umaga ay marami nang nakapilang mga pasyente sa labas ng City Health Office kung kaya mas aagahan na nila ngayon ang pagbubukas ng kanilang opisina.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon pa kay Gomez, simula umano alas 7 ng umaga ay magbubukas na ang opisina para rin umano ma-accomodate na ang mga pasyenteng maaga ring pumupunta sa CHO.