Palasyo, nagdeklara ng ilang mga special non-working day sa ilang lugar sa bansa

Idineklara ng Malacañang bilang special non-working day ang August 15 sa buong probinsya ng Bulacan.

Ito ay para bigyang-daan ang selebrasyon ng founding anniversary ng lugar.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa inilabas na Proclamation No. 625, sinasabing dapat lang bigyan ng panahon ang mga taga-Bulacan na makapagdiwang nito.

Maliban dito, inanunsyo na rin bilang special non-working day sa Tuguegarao City, Cagayan sa August 16 para sa kanilang Pavvurulun Afi Festival; at August 30 naman sa Mandaue City, Cebu para sa ika-55 charter anniversary.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite