Pinatitiyak ng ilang mga senador na magkakaroon ng maayos na reintegration ang mga drug dependents na dumaan na sa sapat na rehabilitation.

Inihain ni Senador Jinggoy Estrada ang counterpart bill sa Senado na Senate Bill No 2276 kung saan ay mabibiyan ng incentives ang mga establishments na mage-employ sa mga reformed ex-drug users.
Sa ilalim nito – magtitiyak na mabibigyan ng maayos na trabaho ang mga dating gumagamit ng iligal na droga upang makatulong sa kanilang pamilya at bansa.
Magkakaroon din ng kolaborasyon sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para makabuo ng mga technical-vocational education and training (TVET) programs.
Sa ganitong paraan ay magiging self-reliant sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling pangkabuhayan o pagkakakitaan, at hindi na rin mahihirapan ang reintegration nila sa lipunan.
Ayon pa kay Estrada, sapat lang daw na patunay ang 94 porsyento ng mga nakapagtapos ng iba’t ibang kurso sa TESDA, sa kagustuhan ng mga dating drug dependent na makapagbagong buhay.