Go, nagpahayag ng suporta sa Tourism campaign na Love the Philippines

Nagbigay ng suporta si Senador Christopher ‘Bong Go’ sa promotional campaign ng Department of Tourism na Love the Philippines.

Ito ay sa kabila ng mainit na kontrobersyal sa pag-gamit ng stock footages ng ibang bansa.

Ayon kay Sen. Go, huwag daw sanang kalimutan ng mga Pilipino ang nais ipahiwatig ng video campaign na mahalin ang Pilipinas at ipamalas daw ang pagmamahal sa kapwa-Pilipino.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa halip daw na batikusin ang naturang campaign video, sana’y makipagtulungan na lang daw ang mga Pilipino na maayos ang isyu.

Dagdag pa ng Senador, ang pinakamahalaga aniya ay ang sinseridad na pagbutihin ang trabaho na maglingkod sa bayan at masigurado raw na walang nasasayang na pera para sa taumbayan.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Nanindigan si Senator Bong Go na patuloy daw niyang susuportahan si Tourism Sec. Christina Frasco at ang mga kawani ng DOT sa gagawin pa nitong campaign projects para sa ikakaunlad ng turismo ng Pilipinas.