Healthcare utilization rate sa Camarines Norte nananatiling mababa

CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte sa magkakasunod na linggo.

Batay sa Healthcare utilization report ng Department of Health sa 132 na kama na inilaan para sa Covid ay mayroong 11 nagamit o katumbas ng 8. 3 % utilization.

Wala namang naitalang pagamit sa  ICU beds at Mechanical Ventilators.

Sa kabila nito nagpaalala ang ahensiya sa publiko na huwag maging kampante dahil nanatiling mayroong banta ng COVID- 19.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology Surveillance Unit sa nakalipas na apat na linggo ay nakakapagtala lamang ang Bicol Region ng average daily ng apat hanggang limang kaso.

Nangangahulugan aniya ito na maayos ang naging mga hakbang para labanan ang COVID- 19.

Ito rin umano ay dahil sa patuloy na pagbabakuna.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pero paalala ni Nuyda sa lahat na patuloy pa ring mag ingat sa gitna ng napakaraming pagtitipon ngayong summer.

Tinukoy nito ang paparating na Holy Week at ang mga political rally.

Dapat pa rin aniyang sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Hinihimok ding magpabakuna ang mga hindi pa bakunado upang maprotektahan sa malalang pagkakasakit.