Lungsod sa Ukraine, ipinagpaliban ang planong evacuation; Putin, nagbabala na maaring lumawak ang gyera

Ipinagpaliban ng isang lungsod sa Ukraine ang planong evacuation nito para sa kanilang mga residente.

Isinisi ito ng Ukraine sa hindi pagsunod ng Russian forces sa ipinatupad na pansamantalang ceasefire kasabay ng babala ni President Vladimir Putin sa West na mas lalawak ang gyera kung magpapatuloy ang pagtatakda ng no-fly zone.

Ipinunto ng mga otoridad na para sa seguridad ng kanilang mga residente ang naturang desisyon dahil sa patuloy na pambobomba ng Russian forces sa Mariupol at sa mga karatig na lugar.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Putin, ang anuman hakbang na papunta sa nasabing direksyon ay makokonsidera bilang partisipasyon sa armadong pakikibaka ng bansa.

Sinabi ni Putin na magiging “colossal” at “catastrophic” ang consequences hindi lamang sa Europe kungdi para sa buong mundo kung itatakda ang no-fly zone.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Binatikos naman ni Ukranian President Volodymyr Zelensky ang NATO dahil sa pagbasura nito sa rekomendasyon na magtakda ng no-fly zone upang makaiwas sa ikinatatakot na nuclear conflict.

Para kay Zelensky, nagkaroon ng “green light” ang Russia para lalong bombahin ang mga Ukranian cities at villages dahil sa pagtanggi ng NATO na magpatupad ng no-fly zone.