Lungsod ng Sorsogon at tatlo pang LGUs, kabilang sa nakakuha ng 100% rating sa POC Performance Audit sa rehiyong Bicol

SORSOGON CITY – Bukod sa lungsod ng Sorsogon, tatlong mga  LGU pa sa lalawigan, kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan at Pilar ang kabilang sa nakakuha ng perpektong 100% Audit Rating sa buong Rehiyong Bicol sa katatapos lamang na 2019 at 2021 Peace and Order Council Performance Audit ng DILG.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pinagbatayan sa ginawang assessment ang mga sumusunod: Organization, Meetings, Policies, Plan and Budget, Reports, General Supervision, at Innovations.

Mababatid na ang performance audit ay regular na isinasagawa upang matukoy ang paggampan ng mga lokal na POC, at upang masuri ang kanilang pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan at mga programa para sa kaligtasan ng mga kumunidad. 

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender