Ideneklara ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno ang special non-working holiday sa lungsod ng Manila para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa nilagdaang Executive Order No. 53 ni Moreno, nakasaad na ang naturang hakbang ay para matiyak ang kaligtasan, seguridad at proteksyon ng mga participants sa Marcos’ inauguration.
Mababatid na si Marcos ay manunumpa bilang pang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa June 30 sa National Museum of the Philippines (NMP) sa Ermita, Manila.

Dahil dito, kinailangan ipasara ng City Government of Manila sa pakikipag-ugnayan ng ilang mga kinauukulang ahensya, ang ilang thoroughfares papasok at palabas ng perimeter ng inaugural venue, na hindi maitatangging makakaapekto sa daloy ng trapiko.
Samantala, mayroon namang mahigit 15,000 security personnel ang idedeploy para magbantay sa seguridad sa naturang makasaysayang aktibidad. //MHEL PACIA