Task Force Manila Shield, i-aactivate, 2 araw bago ang BBM inauguration

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nakatakda na silang maglagay ng mga checkpoints sa mga lugar papasok ng Maynila sa June 27, 2022, tatlong araw bago ang inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos Jr.

Sa pahayag ni PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon, sinabi nito na dalawang araw naman bago ang inagurasyon ay i-a-activate na ang Task Force Manila Shield na tututok sa seguridad sa paligid ng National Museum.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa ika-28 ng Hunyo, dalawang araw bago ang inagurasyon ipapatupad ng PNP ang gunban sa buong Metro Manila.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kaugnay pa nito, sinabi ni De Leon na handa na rin silang i-deploy ang 15,000 na mga security personnel sa araw ng inaugural address ng bagong Pangulo, na kinabibilangan ng mga pulis, sundalo at Coast Guard personnel. //MHEL PACIA