BICOL – “Dumaan sa proseso, upaang hindi maloko.”
Ito ang muling binigyang-diin ngayon ng Land Transportation Office o LTO-Bicol sa publiko upang maiwasan pagiging biktima ng mga online scammers na nag-aalok ng asistensya sa kanilang opisina kapalit ang malaking halaga ng pera.
Payo ng LTO-Bicol, iwasan ang makipagtransaksyon ng student permit, lisensya, o rehistro ng sasakyan sa pamamagitan ng mga facebook page o mga indibidwal sa social media. Panigurado umano kasing bogus ang mga ito at ang inaalok nilang mga transaksyon ay peke.
Hindi rin umano pinahihintulutan ang “non-appearance” sa pagkuha ng lisensya dahil gumagamit ng Biometrics System kung saan kukunan ng litrato, fingerprint at lagda.
Personal din umano ang pagkuha ng Written at Practical Exam ng mga aplikante.
Nag-abiso rin ng ahensya na tinyaking naka folow lamang sa mga lehitimong facebook page at iba pang social media accounts ng LTO at mayroon umanong Digital Assistants ang LTO upang sumagot sa mga katanungan ng mga kliyente.
Mababatid na sa nakalipas na dalawang buwan, 3 entrapment operations kontra online scammers ang naikasa ng LTO sa rehiyon katuwang Anti-Cybercrime Unit ng PNP.
Sa huli, nananawagan ang ahensya na huwag tangkilikin ang mga nagsisilabasang online assistance at fixers gaano man ito ka-“convenient” o hassle-free upang hindi masayang ang oras at ang perang pinaghirapan.