Tatanggap na ng mga walk-ins ang Municipal Health Office ng Subic para sa mga nasa A1 at A5 category.
Ito ay para mas mapabilis pa ang ginagawang vaccination ng lokal na pamahalaan at matapos na ang mga dapat mabakunahan sa mga nasa prioirty list ng pamahalalan.
Ayon sa MHO target ng opisina na mabakunahan ang apat na raang mga pasyente sa bawat vaccination site pero hahatiin ito ng tig dalawang daan sa umaga at dalawang daan din sa hapon.
Samantala, ang pagtanggap ng walk-ins ay sisimulan na bukas, Sept.21.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
