Full digitalization ng SSS Daet Branch unti- unti nang ipinapatupad

CAMARINES NORTE- Unti- unti nang ipinapatupad ang full digitalization ng mga serbisyo ng Social Security System  (SSS) Daet – Branch.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo sa 2024 o 2025 pa sana naka- pipeline ang full digitalization ng mga small branch tulad ng Daet pero dahil sa pandemic  na tumama noong 2020 ay napadali ang pag- implement nito.

Sa ngayon ay patuloy umano ang education at information dissemination at nakikita na rin daw talaga ang mga pagbabago sa Daet Branch.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mayroon umano itong tatlong unit, ang pension care, education at e- center.

Gayunman aminado si Robredo na mayroong mga hindi pa pwedeng online transaction s angayon tulad ng death claim na may maraming beneficiaries at retirement na may minor beneficiaries.

Hindi naman aniya tumitigil ang SSS sa pag- improve para ma- fully digitalize na.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kapag na- fully digitalize na ang SSS Daet Branch ang lahat ay idadaan na sa uploading tulad ng registration, pag enroll ng ibang account at capturing ng Umid ID.

Hinihintay pa umano ng SSS Daet Branch kung maipapatupad na sa Pebrero ang fully digitalize na pag- capture nito.

Mababatid na sa panahon ng pandemya ay mas nagamit ang mga online transactionsa pamamagitan ng My.SSS portal, SSS Mobile App, Tex-SSS at iba pa.