LTFRB, dumistansya mula sa window hours policy para sa ilang provincial buses

Binigyang diin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nila alam ang umano’y kasunduan ng mga provincial buses operators sa mga otoridad hinggil sa pagpapatupad ng window hours.

Ito ang paglilinaw ng LTFRB, matapos ang anunsyo ng provincial bus operators na mag-ooperate sila mula alas 10 p.m. hanggang alas 5 a.m. lang.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa gitna nito, binigyang diin ng ahensya na ang window hours scheme ng MMDA ay hindi nangangahulugan na ang mga provincial buses ay mag-ooperate lang kada gabi.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon sa LTFRB, saklaw lang ng window hours ang mga private terminals ng mga provincial bus operators, pero matapos ang window hours, ang kanilang origin at destination ay kailangang nasa integrated terminal exchange areas na, kung saan may mga city buses na magsusundo sa mga pasahero.