Pumanaw na si Light Rail Transport Authority (LRTA) Administrator General Reynaldo Berroya.
Ito ang kinumpirma sa isang post ni Transportation Secretary Arthur Tugade, Lunes ng umaga.
Ayon kay Tugade nagluluksa ang buong Department of Transportation sa pagpanaw ng dating heneral.
Kasabay nito nakiramay naman si Tugade sa mga naulila ni Berroya.
Bago naging LRTA administrator si Berroya ay naging miyembro ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) noong panahon ni dating pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Hindi naman binanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Berroya.