Likas sa ating mga tao ang maniwala sa suwerte, ngunit paano na lamang kung manalo ka sa lotto pero bigla na lamang napalitan ng kamalasan?
Isang lotto winner kasi kamakailan ang hindi nakuha ang kaniyang premyo dahil sa nasunog umano ang kaniyang lotto ticket noong 2014.
Ganunpaman, matapos ang ilang taon ay sa wakas makukuha na niya ang kaniyang premyo sa kasalaukuyang taon na tumataginting na aabot sa halagng P12M na siya namang tiniyak ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades Robles.
Kasunod ang pangyayaring ito mula sa inilabas na 17-pahinang desisyon ng Supreme Court na nag-uutos sa PCSO na ibigay ang naturang premyo.###WENCY LISAY