LEGAZPI CITY – Pinasok ng magnanakaw ang di pa nakikilang suspek ang isang Lotto outlet sa Purok 2, Brgy. Maroroy bayan ng Daraga, Albay.
Ayon sa report, umaga ng madiskobre ni Billy Joe Bongalod Bueno, 22 anyos, isang Operations Manager ng Lotto Outlet, binata, residente ng Purok 4, Brgy. Pinit lungsod ng Ligao na pinasok na pala ang kanyang lotto outlet dahil dito dali daling nagsagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nakapasok ang suspek sa unlock roll up door, ng makapasok ito ay kinuha ang cash na nagkakahalaga ng PHP 1,500.00, na inilagay sa loob ng cash drawer. Lumabas din ang suspek sa parehong pinto ng kanyang pinasukan.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Daraga MPS para sa pagkakakilanlan ng mga suspek at karagdagang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.