Sundalo, nakaligtas sa tangkang pagpatay sa Masbate

SORSOGON CITY – Masuwerteng nakaligtas sa tangkang pagpatay ang isang miyembro ng Philippine Army sa Brgy Curvada sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Kinilala ang biktima na si PFC Eduardo Eduyan Ochea, nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion at naninirahan sa nasabing barangay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang sundalo ay lalabas sana, at habang pinapaandar nito ang makina ng tricycle ay napansin niya ang 5 hindi kilalang lalaki na nakasuot ng camouflage green na pang-itaas at lahat armado ng long high powered firearms at may mga bandoliers.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa akmang itinutok ng mga suspek ang kanilang baril sa biktima ay agad na tumalon ito sa tricycle at pagbagsak sa lupa ay gumulong ito hanggang makarating sa madamong parte ng lugar saka tumakbo papalayo sa mga suspek.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nakaligtas naman sa kapahamakan ang biktima na nagtamo ng minor injuires sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito.

Hindi naman na nakapagpaputok ang mga suspek at tuluyan nang tumakas.

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang pursuit operations ng PNP at Army sa mga suspek.