Member ng BAYOLA CRIMINAL GROUP naaresto na, dahil sa ilegal na pagsususgal sa bayan ng Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay ang isa sa Newly Identified Member ng Bayola Criminal Gang sa bayan ng Guinobatan Albay dahil sa ilegal gambling.

 Kinilala ang suspek na si Benjamin Olaybal Oflear Jr, 37 anyos, isang tricycle driver, residente ng P6, Malipo, Guinobatan, Albay. Ayon sa police report, gabi ng magsagawa ng Anti- Illegal Gambling Operation ang mga awtoridad sa lugar kung saan ay eksaktong naaktohan ang mga ito ng ilegal number game. Narecover sa kanila ang pera na ginamit sa pagtataya, sling bag, tatlong pirasong “papelitos” at ballpen.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon pa dito, ang naaresto na suspek ay isang newly identified member ng Bayola Criminal Gang na sangkot umano sa ilegal gambling activities sa bayan ng Guinobatan at iba pang karatig na bayan at lungsod. Sa ngayon ay nasa kostudiya na rin ng himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.