Napilitang bumalik sa America ang isang flight na patungo sana ng London nang dahil sa pagtanggi ng isang pasahero na sumunod sa federal mask requirement.
Ayon sa report, paglapag ng American airlines flight 38, agad na ineskortan ng staff ang pasahero kung saan ay nahaharap ito sa administratibo.

Dahil sa pangyayari ay kinansela na ang flight kung saan ay naapektuhan ang 129 na pasahero.
Nagpaabot naman ng papuri ang pamunuan ng airlines sa kanilang mga professional na crew habang nagpaumanhin sa mga pasaherong nadamay.
Base naman sa tala ng Federal Aviation Administration, mayroon nang 151 na mga unruly passengers ang naitala ngayong taon kung saan 92 sa mga ito ang mga mask-related incidents