Czech folk singer na kilalang ‘anti-vaxxer’ namatay dahil sa COVID-19

Sumakabilang-buhay dahil sa COVID-19 ang Czech folk singer na kilalang kontra sa pagpapabakuna laban sa nasabing virus.

Ayon sa report, sinadya ni Hana Horka na i-expose ang kanyang sarili sa virus habang may sakit ang kanyang asawa at anak.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Inihayag ng anak ni Horka na si Jan Rek, gusto ng kanyang ina na mahawa para umano matapos na siya sa COVID.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Sinabi pa ni Jan Rek na nagsalita siya upang hikayatin ang marami na magpabakuna kontra sa COVID-19 tulad nila ng kanyang ama.

Aminado naman si Jan Rek na maling impormasyon tungkol sa virus ang nakuha at pinaniwalaan ng kanyang ina.