Lolo – patay matapos mabagsakan ng acacia tree sa Aklan

Patay ang isang lolo matapos mabagsakan ng tinatayang nasa 2 tonelada ang bigat ng acacia tree malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Tabangka, Numancia, Aklan kahapon ng madaling araw.

Biglang nagising at sumilip ito sa dingding ang biktimang 53-anyos na lolo nang may marinig na parang may nabi-ak na kahoy at wala ring nakita sa labas subalit, nang bumalik siya sa kanyang tinutulugan ay biglang bumagsak ang acacia tree at naipit ang biktima na agad namang nirespondehan ng mga otoridad.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines
Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Napag-alaman na nagtamo umano sa internal hemorrhage ang biktima dahilan ng pagkamatay sa hospital. (with reports from MARIVIC Y. ILIN – 89.3 BNFM KALIBO)