Kamara – 100% nang ready para sa SONA ni PBBM

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na isandaang porsyento nang handa ang Kamara sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kasunod ito ng isinagawang “walkthrough” sa Batasan Pambansa ngayong araw kung saan nagkaroon ng simulation ng magiging daloy ng programa pati na ang protocols sa araw ng SONA.

Dumalo sa walkthrough ang mga opisyal mula sa Office of the President, Presidential Security Command, Presidential Communications Office, Senado at Philippine National Police at iba pang kinauukulang ahensya.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinakita sa mga opisyal ang lalakaran ni Pangulong Marcos mula sa “helipad” na nasa backdoor entrance ng Mababang Kapulungan patungo sa holding room hanggang sa pagpasok sa plenary hall at pag-akyat sa rostrum.

Sa loob ng plenaryo ay makikita rin na nagdagdag ng mga upuan upang ma-accommodate ang mahigit dalawang libong bisita na makikinig sa SONA ng pangulo.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa maikling panayam kay Velasco, tiniyak nito na “secured” o mahigpit ang seguridad para kay Pangulong Marcos.

Ang aawit ng Lupang Hinirang o ang pambansang awit ng Pilipinas ay ang performer na si Blessie Mae Abagat.

Pagdating ng araw ng Huwebes, July 18 ay isasailalim na sa lockdown ang Batasan Pambansa hanggang sa Linggo.