Hindi pa nababayaran ng China ang sinisingil na P60-M pesos na danyos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng nangyaring panggigipit ng mga tauhan ng China Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Navy noong Hunyo.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, wala pang response ang China rito pero tiniyak niyang mayroon nang sulat na hawak ang Department of Foreign Affairs para maisama nila ang demands na ito.
Sinisingil ang China dahil sa mga sinirang equipment at kinuhang baril ng China Coast Guard.
Matatandaang June 17 nang kuyugin ng CCG ang tropa ng AFP sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Sabi pa ni Brawner, hindi pa kasama sa P60M na sinisingil ang pagkaputol ng daliri ng isang sundalong Pinoy dahil sa insidente.