Lolo na may mga baril at bala, huli sa raid sa Quezon

Inaresto ng Quezon Municipal Police Station ang 73-anyos na lolo sa isang raid na isinagawa kaninang umaga sa Sitio Bugtong, Iluluway, Barangay Panitian, Quezon, Palawan.

Nakuha mula sa kanyang tahanan ang dalawang improvised na baril, isang kalibre .22, at iba’t ibang uri ng bala.

Read More:  ₱700K worth of unregistered Korean luncheon meat seized in Cebu City

Ang pag-raid ay isinagawa batay sa search warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan.

Nahaharap ngayon ang lolo sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pagmamay-ari ng lolo ng mga baril at bala.

Di umano, may death threat ang suspek kaya mayroon itong baril, ayon sa mga humuling awtoridad.