Illegal na tumawid ang isang sundalo ng North Korea sa militarized border sa eastern part ng Korean peninsula.
Ayon sa mga otoridad, nag-over-da-bakod ang sundalo sa Goseong county sa east cost na hangganan ng North Korea.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng South Korea ang naturang sundalo upang imbestigahan at masubaybayan ang galaw nito.
Sinabi ng South Korean defense ministry, sinubukan nilang tanungin ang nahuling sundalo kung ano ang dahilan ng pagtawid nito border ngunit hindi ito nagbibigay ng ibang detalye.
Ito ay isang pambihirang pagkakataon dahil karamihan sa mga umaalis sa North Korea ay dumadaan umano sa China o sa iba pang third countries para makapunta sa South Korea.