DOH-Camarines Sur may paalala sa publiko ngayong nakapasok na sa bansa ang monkeypox

NAGA CITY- Pinaalalahan ng Department of Health Camarines Sur ang publiko ngayong nadetect na sa Pilipinas ang monkeypox.

Ayon sa DOH 31-anyos na may history travel sa bansang may mga tinamaan ng naturang sakit ang nairecord. Hindi naman binanggit kung taga saan. Dumating noong Hulyo 19 at nadetect noong Hulyo 28 sa pamamagitan ng  reverse transcription–polymerase chain reaction (RT-PCR) test na ginawa ng DOH Research Institute for Tropical Medicine. Nakaisolate na ang balikbayan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ayon kay Dr. Rey Millena ng DOH CamSur, maging malinis sa paligid at sa sarili, lagi ring mag disinfect , tulad ng ginagawang pag-iingat sa COVID-19.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Una nang sinabi ni Millena na para itong malalaking chickenpox , sa ibang mga bansa dati nang nagkaroon ng smallpox at nagamot naman yun nga lang hindi pa batid ang gamot sa monkeypox.

Binigyang diin ng DOH Officer ang dapat pang tutukan ngayon ay ang pagpapabooster laban sa COVID-19 lalo na’t tumataas ang kaso.