Lola ng batang nag viral sa social media matapos pasusohin ng pulis sa Virac, Catanduanes umalma sa alegasyong inabanduna ito ng sariling ina

BICOL—Bumuwelta ang lola ng sanggol na nag viral sa social media matapos na pasusohin ng isang pulis sa bayan ng Virac, Catanduanes kaugnay ng paratang ng ama nito na inabundana ang bata ng kanyang sariling ina.

Sa pahayag ni Salve Pajarillo- ang lola ng sanggol, sinabi nitong hindi nila inabanduna ng kanyang anak ang kanyang apo, taliwas sa alegasyon ng ama nitong si Orlando Ceres Jr. na lumapit sa himpilan ng Virac PNP at humingi ng tulong dala ang bata na hindi matigil sa pag-iyak kaya’t minabuting pasusohin ni PMSg Catherine L Surban.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Pajarillo, walang pahintulot na kinuha ng ama ang bata habang inaalagaan ng isa pa niyang anak sakanilang bahay at nagulat na lamang sila ng pumutok ang balitang inilapit ito ng ama sa himpilan ng pulisya at sinabing inabunda ng kanyang ina.

Wala umanong katotohanan ang paratang ni Ceres dahil  ang totoo, ay nasa Maynila ang ina ng bata at nagta-trabaho para may maipang tustos sa pangangailangan ng kanyang anak dahil matagal nang hindi nagbibigay sustento ang ama nito. 

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nais aniya ng ginang na linisin ang pangalan ng kanyang anak dahil nailabas ang balita maging sa national media.

Matatandaang nag trending ang facebook post ng Virac MPS laman ang mga larawan ng pulis na si Surban habang pinapasuso nito ang sanggol sa pribadong kwarto ng himpilan na lubos namang hinangaan ng publiko at katunayan ay ginawaran pa ng parangal ang pulis dahil sa ipinakitang malasakit at kabutihan nito.###

Photo Courtesy: Rey B.