Lola at binata – patay matapos sakmalin ng buwaya sa Palawan

Patay ang isang 60-anyos na si Monelba Sariol nang atekihin umano ng buwaya habang naglalaba sa tabing-ilog ng Brgy. Malitub, Bataraza, Palawan.

Ayon sa ulat ng PNP, alas-onse ng umaga ng Miyerkules ay nakita umano ang wala nang buhay na katawan ni Ginang Monelba sa bunganga ng buwaya.

At kinahapunan ng parehong araw, Isang kilometro ang layo doon sa pinangyarihan ng insidente nakita ang katawan ng biktimang palutang lutang sa ilog.

Bago pa ito, ay una nang naiulat ang pag-atake rin ng buwaya nitong ika-25 ng Mayo sa binatang si Normelito Siplan 18- anyos sa parehong bayan.

Mga bandang 11 ng gabing iyon, napansin ng grupo na ang kanilang bangka, na nakatali kay Siplan, ay hinahatak palayo mula sa mababaw na parte ng tubig.

Samantala, nagpaalala ang pamunuan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa mga residenteng naninirahan malapit sa mga pinamumugaran ng buwaya na mag-ingat dahil breeding season ngayon ng mga ito kaya agresibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *