Farm to Market road project ng PAMANA sa pamamagitan ng OPAPRU, pormal na pinasinayaan sa Northern Kabuntalan

PINANGUNAHAN ni Bai Ranee Sinsuat, Head Secretariat ng OPAPRU Socioeconomic Development Unit-JTFCT ang isinagawang ground breaking ceremony ng farm to market road na mag-uugnay sa Barangay Gayonga at Barangay Damatog sa bayan ng Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte ngayong umaga.

Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Sinsuat na una ang bayan sa nakatanggap ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng PAMANA Program ng Pamahalaan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dumaan anya sa proseso ang nasabing proyekto na agad namang inaprubahan ng kanilang opisina.

Nagkakahalaga ito ng 20 million pesos at inaasahang makukumpleto bago ang pagtatapos ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Nagpasalamat naman si Mayor Datu Umbra “RAMIL” Dilangalen dahil napili ng OPAPRU ang kanyang bayan na unang makatanggap ng nasabing proyekto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Patunay lamang umano ito na ang Pamahalaan ay desidido sa pagpapaunlad ng mga bayan sa rehiyon lalo na sa mga lugar na naging sentro ng bakbakan ng Militar at MILF noong panahon ng digmaan.

Tiniyak ni Mayor Dilangalen na iingatan nila ang nasabing proyekto at magagamit ito ng wasto ng kanyang mga kababayan lalo na sa paghatid ng kanilang mga inaning produkto.