Sen. Gatchalian – muling idiniin ang pangangailangang i-ban na ang POGO sa bansa

Nanindigan si Senador Sherwin Gatchalian na total ban na ang kailangan para tuluyang matigil ang problema sa POGO sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gatchalian, sinabi nitong sang-ayon na rin ang iba pang senador sa hakbang na ito.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay Gatchalian, plano na nilang gumawa ng batas para sa pagpapatupad ng total ban sa POGO.

Kasabay nito ay nananawagan din umano ang senador sa Pangulo para sa mabilis na implementasyon ng total ban sa pamamagitan ng executive order.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Sa huli, sinabi ni Gatchalian na hindi dapat maisa-alang-alang ang peace and order dahil sa POGO.