Lokal na pulisya ng San Miguel Catanduanes, nagtanim ng mga binhi kasabay ng Philippine Arbor Day

BNFM Bicol- NAKILAHOK ang kapulisan ng San Miguel Catanduanes sa Tree Growing Day na pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO)  na bahagi ng pagdiriwang ngPhilippine Arbor Day.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Naging katuwang din sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP), Sangguniang Kabataan (SK) Council, Pantawid Pamilyang Piliipino Program (4Ps), at mga opisyales ng barangay kung saan nakapagtanim ng aabot sa 50 binhi ang mga kalahok.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Layunin nitong ipalaganap ang environmental awareness at sustainability, pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng mga miyembro ng komunidad para maprotektahan ang mga puno na nagsisilbing pananggalang mula sa pagbaha at pagguho ng lupa. ### Nico Merciales, Intern