Kaso vs suspended Bamban Mayor Guo – lalo pang tumibay kasunod ng pag-match ng fingerprints sa isang ‘Guo Hua Ping’

Kumpyansa si Senador Sherwin Gatchalian na wala nang lusot si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ang POGO hub sa kanyang bayan.

Ito ay matapos kumpirmahin ng NBI ang pag-match ng fingerprints ng alkalde sa sinasabing si ‘Guo Hua Ping.’

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gatchalian, sinabi nitong sigurado na sila sa inilabas na resulta at pagkatao ni Guo.

Samantala, sinabi rin ni Gatchalian na positibo silang may link ang kaso ni Guo sa ibang POGO hub.

Read More:  Torre defends Marikina River payloader operation

Kung titingnan daw – kung ano ang ginagawa ng POGO hub sa Bamban, Tarlac ay ginagawa rin sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Pero maliban dito, magkakaugnay din daw ang lahat ng POGO hubs, pati na rin sa iba pang areas.