Localization sa recruitment ng personnel hangad ng BFP Camarines Norte

Nais ng Bureau of Fire Protection na mas magkaroon ng localization sa recruitment ng kanilang personnel

Sa pagtitipon na inorganisa ng Civil Service Commission na dinaluhan ng mga Human Resource Personnel kamakailan, naitanong ni Fire Senior Inspector Adonis Osea ng BFP kung ano ang maaaring maitulong ng CSC para sa mas maging localize ang pag- hire ng mga personnel.

Nasa apatnapung prosiento daw kasi kung hindi man majority ng mga personnel ng BFP ay nanggaling pa sa ibang probinsiya.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mayroon naman daw sanang mga nag- apply  na taga Camarines Norte pero pagdating sa assessment ay nagkakaroon ng disadvantage.

Ayon naman kay CSC Region V Director Atty. Daisy Bragais discretionary kasi ang  pag appoint at ito ay nasa internal rules ng BFP.

Dahil dito hinikayat na lamang ni Bragais ang BFP na tulad ng DepEd ay magkaroon ng localization pagdating sa hiring.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ibig sabihin, ang mga mag- aaply na taga Camarines Norte na kapag nakapasok sa serbisyo ay dito na lamang din ma- aasign.

Maaari umanong ipalagay ang localization sa selection plan ng BFP upang maiwasan ang “displacement” ng personnel.

Kung mayroon aniyang unyon ang personnel ay maaari naman itong i- lobby sa pamunuan ng BFP para magkaroon ng localization sa recruits.