NAGA CITY- Umarangkada na ang tatlong araw na local absentee voting, 130 na mga PNP Personnel ng Naga City Police Office (NCPO) na magsisilbi sa Halalan 2022 ang nag aavail nito sa Sta. Cruz Elementary School.
Inihayag ni PSMS Tobi Bongon , Spokesperson ng NCPO na karamihan sa mga ito hindi taga Naga. Ang iba ay residente ng malalayong bayan sa Camarines Sur, at iba pang mga karatig rehiyon.
Ayon saCommission on Elections 84,357 ang approved local absentee voters.
Sa ilalim ng batas maaaring mag avail ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) , PNP na maassign sa botohan, Media practitioners na hindi makakaboto sa Mayo 9 dahil sa Election coverage at Government officials and employees na inatasan din sa election duties.
National positions lamang ang kanilang maaaring botohan; Pangulo, Pangalawang Pangulo, 12 senators at party list group.