Unang araw ng local absentee voting ‘generally peaceful’ – Comelec

Inihayag ni Commission on Elections Commissioner George Garcia na naging matiwasay ang unang araw ng Local Absentee Voting (LAV).

Ayon kay Garcia dinagsa ang mga presinto sa iba’t-ibang panig ng bansa kahapon ng mga eligible voters.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kabilang na dito ay mula sa hanay ng mga government employees, security forces, at media.

Nilinaw naman ni Garcia na walang walk-in sa local absentee voting at ang tanging papayagan lamang ay ang mga botanteng naberipika at nag-aplay para sa LAV.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Naniniwala naman ang comelec commissioner na mataas ang magiging voters turnout ng LAV mula sa mahigit 84,000 na pinayagang lumahok sa naturang botohan.