Liquor ban sa Camalig, Albay lifted na maliban sa 20 barangay

BNFM BICOL—Lifted na ang liquor ban o pagbabawal sa pag-inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing sa bayan ng Camalig, Albay. Salig ito sa Section 1.4 ng inilabas na Executive Order No. 44, s. 2021 ng LGU kahapon.

Pero nakasaad din sa EO na hindi nito sakop ang nasa 20 barangay kung saan mananatili ang pagbabawal sa pag-inom at pagbebenta ng alak dahil sa presensya ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kabilang sa mga ito ang mga barangay ng Cabangan, Gotob, Cotmon, Tagaytay, Palanog, Baligang, Ilawod, Quirangay, Comun, Calabidongan, Caguiba, Sua, Taladong, Binitayan, Brgy. 5, Libod, Anoling, Sumlang, Brgy. 7 at Brgy. Taplacon.

Mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad sa minimum health standards gaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield, tamang hand hygiene at pagsunod sa physical distancing.

Ang Curfew hours ay nananatili sa alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Bawal namang lumabas ng bahay ang ilang indibidwal maliban na lamang kung sila ay APOR (Authorized Person Outside of Residence) o kailangan dahil sa mahahalagang layunin at dahilan.

Kabilang sa mga ito ang mga batang edad 0 – 14 years old, matatanda na edad 65 -anyos pataas, mga indibidwal na may high-risk health issues at mga buntis. Ang bayan ng Camalig ay nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) classification.###