BNFM BICOL—Umabot lamang sa 41 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala nitong Lunes. 21 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan tigpito ang bayan ng Pandan at San Andres, tatlo sa Virac, dalawa sa San Miguel at tig-isa ang Bato at Panganiban.
19 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan apat ang naitala sa Lagonoy, tatlo sa Iriga City, tigdalawa ang Buhi at Sagñay at tig-iisa ang Bato,Gainza, Minalabac, Nabua, Ocampo, Pili, San Jose at Tinambac.
Isang kaso naman ang naitala sa Albay na mula sa bayan ng Sto. Domingo habang zero new cases ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Masbate at Sorsogon.
Sa kabuuan ay pumapalo na sa 44,951 ang cumulative cases ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 8847 (19.68%) pa ang aktibong kaso.
Samatala, pumalo na rin sa 34,623 (77.02%) ang total recoveries matapos magtala ng 39 na mga bagong gumaling kung saan 26 nito ay mula sa Sorsogon at 13 sa Catanduanes.
Umabot na rin sa 1,481 (3.29%) ang death toll matapos madagdagan ng 12 na mga bagong nasawi. Siyam nito ay mula sa Camarines Sur, dawala sa Naga City at isa sa Camarines Norte.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.###