Isang doktor sa Camarines Sur, hindi pabor sa pag-aalis ng mga plastic barrier sa mga PUVS

NAGA CITY—Hindi pabor ang isang Doktor sa bayan ng San Jose, Camarines Sur na alisin na ang mga plastic barrier sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Dr. Arnel Armea, Municipal Health Officer ng San Jose matapos sabihin ng DOTr na maaari nang alisin ng mga operator at driver ang mga plastic barrier dahil wala naman umanong medical findings na nagsasabing epektibo ito para maiwasan ang hawaan ng virus ng mga mananakay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Giit ni Dr. Armea, nariyan parin ang risk ng transmission ng COVID-19 lalo pat karamihan sa mga sasakyan ay hindi na sumusunod sa minimum capacity.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hindi rin aniya nakakasiguro kung ang bawat commuters na katabi sa upuan ay hindi pa infected ng virus.

Mas maigi aniyang siguraduhin muna na 90% bakunado na ang mga tao sa isang lugar bago ito ipatupad.