Fuel subsidy, hiniling ng grupo ng tricycle drivers sa city LGU

SORSOGON CITY – Ayuda!

Ito ang hiling ng mga tricycle drivers sa Lokal na Pamahalaang ng Lungsod ng Sorsogon bunsod na rin ng sobrang taas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa presidente ng Federation of Associated Sorsogon Tricycle Operators and Drivers (FASTOD) na si Manuel Detera, sinabi nito na sa kabila ng implimentasyon ng ‘dagdag sakay at bawas pamasahe’ ay halos hindi parin ito epektibo upang maibsan ang hirap ng mga tsuper kung kaya’t pinakamainam rito ang pagbibigay ng ayuda mula sa LGU kung saan maliit lang naman umanong pondo ang kakailangan rito sa halip na mag amyenda o kaya magpasa ng kung anu-anong resolution at ordinansa.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school
Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Gayunman, nilinaw ng opisyal na sa lahat ng pagbabago sa pasahe, nanatili parin ang kanilang pag- alala sa mga commuters na maapektuhan din sa pagtaas ng pamasahe.