5 katao arestado sa drug buy-bust operation sa isang drug den sa Legazpi City; 1 suspek nakatakas

LEGAZPI CITY – Arestado ang lima katao sa ikinasang buy bust operation na isang drug den sa Purok 2, Brgy. Pigcale lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Estipona , Jasmine Visilia, habang nahuli rin ang tatlong kasamahan nito sa loob mismo ng bahay bilang mga bisita lamang sina Mark Kenneth Loremia, Henry Imperial, Jeffrey Villanueva habang nakatakas ang isa nitong kasamahan na suspek na si Alias Gregorio Estipona.

Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti ilegal drugs operation ang mga PDEA ALBAY kung saan kumagat sa pain ang dalawang suspek na sina Estipona at Visilia matapos pagbentahan umano ito ng ilegal na droga.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dahil inaresto ang mga dalawang suspek at kasama ang tatlong mga bisita sa loob ng bahay.

Narekober sa kanila pc knot-tied transparent plastic bag na may laman na pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit kumulang sa 35 gramo sa halagang P238K, 8 pcs heat-sealed transparent plastic sachet na suspected shabu na may timbang na humigit kumulang na 15 gramo at sa halagang P102K, at marami pang iba na non drug items.

Humigit kumulang sa 50 gramo ang narekober na pinaniniwalaang shabu at mahigit sa P300K ang halaga ng suspected shabu.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa panayam ng Brigada Mews Fm Legazpi kay Noel Briguel, ang head ng PDEA Albay, sinabi nito na matagal ng ginagawa ng mga suspek ang kanilang ginagawa kung kayat nagkaroon rin ito ng masusing pag imbestiga at mga residente at barangay officials na rin umano ang nagsumbong rito ng kanilang gawain.

Ayon pa kay Briguel, inaalam na rin ng mga ito ang kanilang track record kung sila ba ay drug surrenderee o newly identified sa ilegal na droga.

Ang mga suspek ay dinala sa pdea Regional office 5 para sa kanilang disposisyon at inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.