NAGA CITY-Nirebisa ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagklasipika ng super typhoon at ang sistema ng pag-alerto sa publiko pagdating sa lakas ng hangin na dala ng bagyo o pagtatakda ng Warning Signals.
Ang pagbabago ay ginawa ng PAGASA upang maging kahalintulad sa sistema ng USA Joint Typhoon Warning Center. Sa Tropical Wind Signal naman ay base sa global Beaufort scale na ginagamit ng World Meteorological Organization.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ng Meteorologist na si Mike Padua,pareho lang naman ang klasipikasyon subalit ibinaba na ito mula sa 220 km/h , ngayon kapag 185 km/h na ang pagbugso ng hangin Super Typhoon na.
Dagdag ni Padua na ipinareho ito upang walang pagkalito , ang Joint Typhoon Warning Center kasi pinagbabasehan na rin sa pag analisa ng bagyo bansa. Baka aniya magulat ang publiko kung dumami na ang maiuulat na super typhoon na ang katunayan ay nag adjust ang PAGASA, kailangan ng malawakang pagpapaintindi.
Inihayag naman sa BNFM ng DOST-PAGASA Legazpi na handa sila sa information dissemination o pagpapaintindi sa publiko sa tulong na rin ng Disaster Management Office.