Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob bilang ‘breadwinner’

Naglabas ng sama ng loob ang ex-housemate ng isang reality show sa bansa na si Angelie Reposposa, o mas kilala sa tawag na “Lie.”

Alinsunod ito sa isang komento sa kaniya ng isang netizen na sinabing tulungan umano ni Lie ang kaniyang mga magulang sa pagbabayad ng utang sa kuryente at tubig at huwag lang dawn puso pasarap sa kwarto.  

Agad naman itong sinupalpal ni Lie at sinabing “Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob hindi ko alam kung tama or mali ba [i]tong gagawin ko pero sobra na as a bread winner nakakapagod [na] [rin] din noong una gusto ko lang naman tumulong hanggang sa naging obligation ko na lahat.”

Dagdag pa niya: [Isa] lang ako pero [pito] 7 [i]yong dapat bubuhayin ko ang masakit pa para sa akin tinulongan ko naman sila pero [ka]pag hindi ko na[i]bigay ang gusto nila nagiging masama na ako.”

Matatandaan nitong nakaraang araw nang ibalita niya na siya ay mayroong Pulmonary tuberculosis o PTB at Anemia matapos mapansin ng kaniyang mga fan na siya ay bigla na lamang namayat. ### KENNETH BERMIL