Isa patay, isa sugatan sa pamamaril sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kasama nito nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Mayo 27.

Base sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi, nakatambay umano noon ang mga biktimang sina alyas “Emerson” at alyas “Pryan”, parehong 42-anyos, nang dumating ang suspek at walang anu-ano itong pinagbabaril.

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Agad na binawian ng buhay si Emmerson habang si Pryan naman ay isinugod sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng mga operasyon ang awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.