Liderato ng Kamara, kaisa sa paggunita sa “Day of National Mourning”

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino na ipamalas ang pagmamahal at bigyang-pagkilala ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Sa kanyang mensahe para sa “Day of National Mourning”, nawa’y magsilbi aniya itong paalala na ang bansa ay hindi lamang makikilala sa pagiging matatag kundi sa malasakit sa bawat isa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kasabay ng paggunita sa inilabas na Proclamation Number 728, iginiit ni Romualdez na sana ay mag-alay ang lahat ng panalangin at anumang gawain na magpapakita ng kabutihan para sa mga nagdadalamhati at sa mga pinipilit na bumangon mula sa trahedya.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Dagdag pa ng Speaker, kaisa ng mga pamilyang nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay ang Kamara at sa kanilang dinaranas na sakit.

Tinatawag aniya ang lahat upang magmalasakit sa bawat isa at magsama-sama upang walang makaramdam na sila ay nag-iisa sa hamon na makabangon.