“Kian Bill”, inihain sa Kamara upang wakasan ang mga pagpatay sa drug users

Isinusulong ni Representative Perci Cendana ang isang panukalang batas na layong maglatag ng makataongh solusyon sa problema sa ilegal na droga habang pinoprotektahan ang karapatan ng mga indibidwal.

Batay sa Public Health Approach to Drug Use Act na tatawagin ding “Kian Bill”, wawakasan ang mga pagpatay ng mga inosenteng buhay tulad ni Kian Delos Santos na sinasabing biktima ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa halip na dahas at bala ay sosolusyunan aniya ang suliranin sa pamamagitan ng direktang lingap sa drug users.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Tuluyang ipagbabawal ng panukala ang paggamit ng marahas na pamamaraan kabilang ang “Tokhang” o drug lists, torture, unlawful police interference at iba pang ginamit sa drug war.

Bukod dito, magkakaroon ng community-based health approach at social support interventions.