Nadamay sa sunog sa isang residential area sa Pasay City ang isang bangkay na nakaburol.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, mag aalas dose ng tanghali ng sumiklab ang sunog sa bahagi ng Cuyegking street sa Brgy. 01.
Hindi na nagawang mailabas ang lalaking nakaburol dahil mabilis na kumalat ang apoy.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala.