Liderato ng Kamara, ipinauubaya sa mga kongresista ang pag-monitor sa mga aktibidad na may kinalaman sa POGO

Nagpaalala si House Speaker Martin Romualdez sa lahat ng stakeholders na sumunod sa batas upang walang maging problema.

Sa panayam kay Romualdez, natanong ito ukol sa kanyang paninindigan sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sinabi ng Speaker na ang sinumang lumalabag sa batas ng bansa ay dapat na maparusahan.

Ipinauubaya rin ni Romualdez sa mga kapwa kongresista ang pag-monitor sa mga aktibidad sa kani-kanyang distrito dahil alam na umano nila ang gagawin.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ilang mga kongresista na ang nagpahayag ng pagtutol sa operasyon ng POGO at nananawagan na ipatigil na ito sa Pilipinas dahil sa mga naitatalang krimen.