Walang nakikitang sapat na dahilan si Senate Minority Leader Koko Pimentel para pag-aksayahan pa ng oras ang pag-imbestiga sa nadiskubreng Chinese military uniform sa POGO firm sa Porac, Pampanga.
Anya, kung isa lang kase ang natuklasang uniform ay maaring ‘souvenir’ o ‘collection’ lang ito bagamat may haka-haka ang awtoridad na ang ‘P.L.A.’ na nakasulat dito ay tumatayo para sa pangalang ‘People’s Liberation Army’.
Ngunit sa kabilang banda, pinaniniwalaan ni Senadora Risa Hontiveros na nagpapakita lang ito na may dala talagang national security threat ang POGO sa bansa.
Kaugnay nito, muli siyang nanawagan sa Pangulo na i-total ban na ang POGO sa bansa.
Samamtala, ayon kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. hindi nila masisi ang ilan sa pagkaalarma rito bagamat hindi pa rin dapat mauwi sa biglaang konklusyon sa pangyayari.
Ani Revilla, kung talagang mapatunayang may banta ang nakitang PLA uniform sa seguridad ng bansa ay marapat lang umaksyon agad ang kinauukulan.